CAMP GEN. PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite – Inaresto ng pulisya ang limang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang babae, sa buy-bust operations noong Biyernes ng hapon hanggang Sabado ng umaga sa Dasmariñas City at sa mga munisipalidad ng Carmona at Kawit.

Isinagawa ang operasyon ng pulisya mula 5:30 ng hapon noong Biyernes hanggang 2:30 ng umaga kahapon.

Sa report ni Cavite Police Provincial Office OIC Senior Supt. Jonnel C. Estomo ay kinilala ang mga nadakip na sina Ronie V. de Castro, 47, tubong Sariaya, Quezon, at residente ng Barangay Milagrosa, Carmona, Cavite; Alimar Omar, 31, ng Bgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite; Garry A. Gamat at kapatid niyang si Rolando, kapwa ng Bgy. Kaingen, Kawit; at Kristal Jane R. Ganadem, ng Bgy. San Isidro Labrador I, Dasmariñas City, Cavite.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20