Patay ang isang istambay matapos pagbabarilin ng isang riding in tandem sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Rodriguez Hospital si Virgilio Avelino, 26, ng Phase 4, Package 6, Block 13, Lot 2, Barangay Bagong Silang ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng mga bala ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report, dakong 10:00 ng gabi, nakatayo sa harap ng kanilang bahay si Avelino nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo at pinagbabaril ang biktima.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget