MAJIDIYA, Lebanon (AFP)– Nagbabala si Prime Minister Benjamin Netanyahu sa Hezbollah ng Lebanon na magbabayad ito sa missile attack na ikinamatay ng dalawang sundalong Israeli sa atake na nagtaas ng pangamba ng isa na namang all-out war.

Isang Spanish UN peacekeeper ang napatay sa pagbabakbakan ng Israel at Hezbollah kasunod ng pag-atake ng Shiite militant group.

“Those behind today’s attack will pay the full price,” pahayag ng opisina ni Netanyahu na sinabi ng prime minister sa pagpupulong ng top security brass ng Israel noong Miyerkules ng gabi.

Dalawang sundalo ang namatay nang magbaril ang Hezbollah ng isang anti-tank missile sa convoy ng militar sa isang lugar na okupado ng Israel, ayon sa army. Pitong pang sundalo ang nasugatan.
Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?