Balak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na i-regulate ang iba’t ibang aplikasyon ng taxi booking tulad ng “grab taxi,” “easy taxi” at “Uber.”

Inihayag ni LTFRB Chairman Winston Ginez na ang nasabing apps ay ilalagay sa kategoryang “transport network companies” at para maproteksiyunan ang mga pasahero.

Nabatid na ang panukala ay iginiit ni Ginez sa pagdinig sa House Committee on Transportation.

Binatikos ng iba’t ibang grupo ng transportasyon ang dahil wala umanong mapapala ang mga taxi drivers at operators at iginiit na ipabasura na lamang ang Joint Administrative Order na nagpapahirap sa mga tsuper.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists