blind-copy-copy

DISMAYADO pala ang kilalang aktor dahil hindi siya nabibigyan ng projects sa network na pinaglilingkuran niya.

Ayaw namang pakawalan ang kilalang aktor ng TV network para sana makalipat sa ibang network at sa katunayan ay inalok ng mataas na talent fee at nangakong bibigyan ng TV at film projects.

Tinupad naman ng network ang mga pangako na bibigyan ng TV project ang kilalang aktor, pero hindi lead kundi support lang sa isang baguhan kaya tinanggihan ito.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Maging ang pelikulang inialok ay hindi rin maganda ang papel kaya napilitang tanggihan ulit ng aktor.

Dahil sa katatanggi ng kilalang aktor ay sinabihan tuloy siya ng management ng network na maghintay na lang kung anong project ang ibibigay sa kanya dahil nga namimili siya.

Mag-iisang taon nang wala pa ring ginagawa ang kilalang aktor na bagamat guaranteed contract siya sa network (sumusuweldo may project man o wala) ay hindi pa siya kuntento dahil wala naman siyang exposures.

Ang ending, planong magpatayo ng kilalang aktor ng mga paupahang apartment kasosyo ang best friend niyang aktor din para raw may fixed income sila kaysa magtayo ng restaurant na wala namang kasiguruhan kung magtatagal o hindi dahil halos buwan-buwan ay may mga nagsusulputang bago.

Binanggit namin na mag-franchise na lang ng fastfood dahil siguradong kikita. Pero sinagot kami ng, “mahal ang franchise, ‘yung ipapambili mo, eh, di ipatayo mo na lang ng apartment, mas mura pa.”

May katwiran dahil ‘yung kakilala naming artista na nag-franchise ng fastfood ay 10 years pa raw bago bumalik ang puhunan, samantalang ang paupahang apartment hindi naman aabot sa sampung taon ang return of investment.

May existing business naman na ang kilalang aktor kaya dito siya kumukuha minsan ng panggastos niya kapag walang-wala siya, pero siyempre hindi rin naman sapat iyon.

Mabuti na lang at hindi magastos ang kilalang aktor dahil parati lang nasa bahay at mahilig manood ng DVD.