Umatras na rin si Senator JV Ejercito bilang co-author ng Bangsamoro Basic Law (BBL) matapos ang madugong sagupaan sa pagitan ng Philippine National Police-Special Action Force (SAF) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).

“I am withdrawing my signature as a co-author of the Bangsamoro Basic Law as a result of this carnage. My heart bleeds for our policemen who were mercilessly killed. “What happened to the PNP-SAF troopers is not a misencounter but a MASSACRE!” pahayag ni Ejercito

Inilarawan ni Ejercito na isang masaker ang nangyari dahil sa pinagtulungan ng dalawang puwersa ang mga pulis.

“We condemn in the highest possible terms the recent deaths of almost 50-members of PNP-SAF (Philippine National Police-Special Action Force) and the crimes allegedly perpetrated by members of the Moro Islamic Liberation Front,” ani Ejercito

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nitong Lunes, unang umatras si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano bilang co-author dahil na rin sa madugong sagupaan.

Sinabi ni Cayetano na mahirap makipag-usap kung hindi seryoso ang kaharap at hindi naman daw ito basta engkwentro lamang kundi malinaw na massacre.

Sinuspinde ni Senator Ferdinand Marcos Jr., ang pagdinig sa BBL matapos ang insidente, iginiit niya na dapat munang malinawan ang lahat ng agam-agam at duda bago ipagpatuloy ang pagdinig ng BBL.