TARLAC CITY - Isang pulis ang biniktima ng mga hindi nakilalang suspek na pinaniniwalaang miyembro ng Basag Kotse gang, at natangay ang mamahaling cell phone, make-up kit at iba pang personal na gamit ng live-in partner ng pulis sa parking area ng isang malaking establisimyento sa Barangay Cut-Cut 1st, Tarlac City, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni PO3 Edward Del Rosario, may hawak ng kaso, ang biniktimang si PO1 Carlo Payang, 30, nakatalaga sa Regional Public Safety Batallion sa Camp Olivas, San Fernando City, Pampanga.

Natangay mula sa Mitsubishi Montero ni Payang ang kanyang Samsung Galaxy S2 cell phone na nagkakahalaga ng mahigit P22,000, gayundin ang mga personal na gamit ng 28-anyos na kinakasama niya na taga-Bgy. San Manuel, Tarlac City.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho