Ano kayang mga aral ang natutuhan (hindi ‘natutunan’) ng mga Pilipino sa pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas noong Enero 15-19? Sa mga pulitiko na binusog ang mga bulsa mula sa pinaghirapang buwis ng taumbayan, numipis naman kaya ang kanilang mga mukha upang tablan ng kahihiyan sa pandarambong ng salapi ng bayan sa pamamagitan ng PDAF at DAP?

Ang euphoria kaya na nadama ng mga Pinoy sa apostolic visit ni Lolo Kiko ay dagli ring maglalaho pagkasakay niya sa Shepherd One ng Philippine Air Lines patungong Roma kasama ang mga journalist, kabilang ang 14 Pinoy media people?

Naging kontrobersiyal ang sinabi ng Papa na hindi dapat magparami ng anak ang mga katoliko tulad ng kuneho. Ang pahayag ay ginawa ng Papa nang makaharap niya ang isang ginang na may pitong anak at kasalukuyang buntis. Nilinaw niya at ng CBCP president Archbishop Socrates Villegas ang konteksto ng gayong pahayag. Ibig sabihin ay hindi masama ang magkaroon ng maraming anak, pero dapat magplano ang mga magulang ng wastong espasyo sa panganganak sa pamamagitan ng pamamaraang alinsunod sa Simbahan. Samakatwid, makatuwirang pahayag ito upang kontrahin ang kasabihang “Bahala na ang Diyos sa amin” ng mga magulang na walang tigil sa panganganak.

Ngayong nasa Roma na si Lolo Kiko, lumabas ang balita na may terror plot din pala laban sa kanya. Ang nasa likod daw ng plano ay ang Jemaah Islamiyah na konektado sa al-Qaeda. Gayunman, ayon sa ulat, nabigo ang plano ng mga terorista dahil sa mahigpit na seguridad at pagbabantay ng mga tauhan ng AFP at PNP.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mananatiling alkalde ng Maynila si ex-Pres. Joseph Estrada matapos idismis ng Supreme Court ang petisyon sa kanyang diskuwalipikasyon na inihain nina ex-Mayor Alfredo Lim at ng kanyang abogada. Ayon sa SC, absolute ang pardon na iginawad ni ex-Pres. Gloria Arroyo kay Pareng Erap kaugnay ng kanyang plunder conviction.Talaga yatang iba ang karisma ni Erap na nahalal na Pangulo noon sa kabila ng paninira bilang isang babaero, sugarol at artista lang!