ILAGAN, Isabela - Sa kasagsagan ng paghahanda ng Isabela para sa selebrasyon ng Bambanti (Scarecrow) Festival ay pumutok ang balita ng pagsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsman laban kay Isabela Gov. Faustino Dy III.

Sa report ng isang lokal na himpilan ng radyo rito, sinasabing sinampahan ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng mga kasong administratibo, malversation of public funds at falsification of public documents ang ilang opisyal ng gobyerno mula sa lalawigan ng Isabela at mga grupong party-list.

Nabanggit sa nasabing report na nagharap ng reklamo ang VACC kaugnay ng nawaldas umanong P25 milyon na halaga ng pondo ng bayan sa pamamagitan ng pagmanipula rito.

Ayon pa sa ulat, nailabas umano ang magkahiwalay na P10 milyon at P15 milyon mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng dalawang party-list representative ngunit walang nai-deliver na proyekto.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Bukod sa gobernador, kinasuhan din sina ABS Party-list Rep. Catalina Leonen-Pizaro, 1 CARE Party-list Rep. Michael Angelo Rivera, Atty. Noel Manuel Lopez, provincial administrator; Ma. Theresa Araneta-Flores, treasurer; Pete Gerald Javier, accountant; Rodrigo Sawit, BAC chairman; Lucila Ambatali, social welfare officer; Teresita Rios, auditor ng Commission on Audit (COA); Atty. Allan Uy; Jimmy Pua, ng Jimmy Pua Enterprises, Inc.; corporate officers ng Sanitary Mart Corporation; Roda Ramirez, GSO inspectorate provincial capitol at iba pa.

Nabatid din na hindi pa nakatanggap ng pormal na kopya ng reklamo ang nabanggit na mga opisyal kaya hindi pa sila makapagbigay ng anumang pahayag.