BANGKOK (AP) — Bumoto ang military-appointed legislature ng Thailand noong Biyernes para i-impeach si dating Prime Minister Yingluck Shinawatra sa kanyang papel sa pamamahala sa rice subsidy program ng gobyerno na nalugi ng bilyun-bilyong dolyar, isang hakbang na lalong maghahati sa bansa na isang dekada nang binabagabag ng sigalot sa politika at mga kudeta.

Isinagawa ang botohan, na nangangahulugang si Yingluck ay pagbabawalang sumabak sa politika sa loob ng limang taon, matapos ihayag ng attorney general’s office ang hiwalay na plano na kasuhan siya ng negligence kaugnay sa mga pagkalugi at sa diumano’y korupsiyon sa rice program.

Wala pang petsa na itinakda para sa formal indictment, ngunit kapag napatunayang magkasala, si Yingluck ay mahaharap sa 10 taong pagkakakulong.
National

Sa gitna ng girian: PBBM, minsan lang nagsalita vs VP Sara – Rep. Abante