Sa kabila ng pagnanais na maipagkaloob nang mabilis, naantala ang pagbibigay ng executive clemency para sa mga bilanggo bilang regalo ni Pangulong Beningo Aquino III sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, naipasa na niya sa Office of the President ang listahan pero hindi ito napagtuunan nang pansin agad dahil gahol sa oras para pagaralan ang pagbibigay ng clemency sa mga bilanggo na itataon sana noong pagbisita ng Santo Papa sa bansa.

Gayunman, hindi man umabot ang pagbibigay ng executive clemency sa mga piling bilanggo, siniguro ni Secretary de Lima na pag-aaralan ito ng Office of the President at ibibigay ang inaasam-asam na clemency ngayong taon
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race