NoNewPlates_02_QuezonCity_ValeriaSorrenti_210115-619x377

Nagbanta ng nationwide protest ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) matapos kondenahin ang Land Transportation Office (LTO) hinggil sa implementasyon ng sapilitang pagpalit ng plaka sa mga behikulo sa buong bansa.

Dakong 10:00 ng umaga kahapon, nagsagawa ng kilos protesta ang mga tsuper at opereytor ng SUV at pampasaherong jeep (PUJ) na pawang kasapi ng PISTON sa tapat ng tanggapan ng LTO at mariing kinondena ang mandatory replacement ng plaka ng lahat ng mga sasakyan.

Ayon kay PISTON National President George San Mateo, hindi sila pabor sa panukala ng ahensiya sa sapilitan na pagpalit ng plaka dahil may kaakibat itong dagdag-singil sa mga opereytor para sa bagong plaka.

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget

Nabatid na nasa walong milyong mga rehistradong behikulo sa LTO ay obligado at sapilitang magpapalit ng bagong plaka.

Batay sa mandatory ng ahensiya, ang babayaran ng operators sa bagong plaka ng 4 wheeler truck ay P450 at P120 para sa single na motorsiklo at tricycle.

Bunsod nito, magpupulong ang mga kasapi ng PISTON para sa ikakasang malawakang kilos protesta sa buong bansa kasabay ng pagsampa ng kaso sa Korte Suprema laban sa LTO.