CLEVELAND (AP)– Hindi nakapag-ensayo ang bituin ng Cavaliers na si LeBron James dahil sa flu-like symptoms, na nag-iwang nakabitin sa kanyang status sa laro ngayon kontra sa Utah.

Kamakailan lamang ay lumiban sa walong laro si James dahil sa strained back and knee. Ang Cavs ay nagtala ng 1-7 rekord na wala siya, ngunit 3-1 mula nang magbalik ang four-time league MVP. Umiskor si James ng 26 puntos sa 36 minuto noong Lunes sa ikatlong sunod na pagwawagi ng Cleveland, 108-94, laban sa Chicago Bulls.

Hindi siya dumalo sa ensayo kahapon at sinabi ni coach David Blatt na si James ay nasa bahay. Inaasahan ang koponan na magbibigay ng update kasunod ng shootaround noong Miyerkules.

Sinabi ni James na ang kanyang two-week break ay nakaganda sa kanyang katawan, at maayos na ang kanyang pakiramdam. Nagpakita ang 30-anyos ng gilas na hindi nakita sa kanya noong una.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ani Blatt, nakasandal ang koponan kay James at “he influences in every respect.’’