Ang pagiging “booksmart” ay hindi sapat upang magkaroon ng trabaho.
Sa pagbabahagi ng kanyang pagiging dalubhasa bilang human resource practitioner sa Manila Bulletin (MB) Classifieds Job Fair 2015 sa SM City North EDSA Skydome na idinaos sa Quezon City noong Martes, sinabi ni Gellor Business Management, Inc. President Leo Gellor sa job hunters na ang pagpapakita ng technical at behavioral competence ay magkakaroon ng malaking silbi sa kanila oras na mabigyan sila ng trabaho.
Ang “Develop and Enhance your Competencies” ni Gellor ay nakapokus sa pagbibigay ng inspirasyon sa mga papasibol na propesyunal upang magkaroon ng mga kinakailangang kasanayan, kagalingan, at kaugalian na angkop para sa iba’t ibang sitwasyon sa opisina na kanilang magagamit ngayon pa lamang.
“To get hired, [one] should be able to learn technical skills well,” giit niya. Idinagdag ni Gellor na ang isang aplikante ay dapat na palaging “uhaw” sa mga bagong kaalaman.
“Ask how [a certain system] works, and do not be ashamed [of doing so,]” sabi niya. “Always bear in your minds that you do not have the monopoly of all the knowledge in this world.”
Ang pagiging maalam sa computer, dagdag ni Gellor, ay maganda rin para sa mga aplikante na nais iangat ang antas ng kanilang mga career sa hinaharap.
Ayon sa kanya, ang pagbabasa ng mga manual, libro, at iba pang informative materials ay nakapagpapayaman sa kaisipan, at nakatutulong upang maging karapat-dapat ang isang empleyado na maging kandidato para sa isang promosyon sa trabaho.
“Read newspapers everyday, [for these] would help you grow,” ani Gellor.