LA TRINIDAD, Benguet – Inilunsad ng pamahalaang panglalawigan at ng Benguet Police Provincial Office ang Oplan Ligtas Biyahe sa lahat ng mga pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng pagdidikit ng sticker sa ipinamamasadang sasakyan para basahin muna bago magbiyahe.

Ang proyekto ay dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng iba’t ibang PUV association sa Benguet, kasunod ang pagdidikit ng mga sticker sa sasakyan ng mga ito.

Sa itaas na bahagi ng driver seat ay ididikit ang sticker na nagpapaalalang pag-isipan muna kung dapat siyang bumiyahe sa araw na iyon.

Ang tatlong paalala ay: “Am I in good condition to drive?”; “Is my vehicle in good running condition?” at “Am I sure to safety ferry my passengers to their destination?”
National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela