Pangungunahan nina Senator Nancy Binay at Cavite Governor Jonvic Remulla, kasama ang medical volunteer group na Faces of Tomorrow (FOT), ang isang medical mission sa Trece Martirez City na pinupuntirya ng grupo ang pagbibigay ng libreng operasyon sa mga pasyenteng bingot (cleft lip/palate) mula sa Cavite at karatig na lugar.

Ayon kay Binay, kasalukuyang isinasagawa ang screening ng mga pasyente para sa libreng surgical at dental mission sa Enero 18-23 sa Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martirez City.

Suportado rin ng Junior Chamber International (JCI) ng Trece Martirez at General EAMH ang proyekto.

Maaaring makipag-ugnayan kay Dr. Evol Salazar sa EAMH mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa numero (046) 419-1713-16.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20