Hinimok ni Manila Bulletin Vice President for Classified Advertising Lyne Abanilla ang mga aplikante sa MB Classifieds Job Fair kahapon na “use the joy brought about by Pope Francis’ recently concluded visit in the country” upang sila pumasa sila sa job interview.

Pinaalalahanan ni Abanilla ang mga aplikante na laging ngumiti at piliin ang trabahong naaayon sa kanilang kakayahan.

Pinayuhan din niya ang mga ito na maging presentable dahil, aniya, “most of you will probably scheduled for interviews with them within the day.”

Ibinahagi rin ni Abanilla na halos “16,999 job hunters flooded our job fairs last year, and out of that number, more than 1,600 have been hired,” at pahabol na sinabing “we always look forward to hiring more”.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ngayong taon ay magkakaroon ng 10 job fair ang Manila Bulletin sa iba’t ibang panig ng bansa; ang apat dito ay sa mga probinsiya.