Laro ngayon (Smart-Araneta Coliseum):
7pm -- San Miguel Beer vs. Alaska
Diskarte? Lakas at tatag? Utak? o puso?
Kung sino ang mangingibabaw at makakakuha ng bentahe sa nabanggit na apat na aspeto ang inaasahang uuwing kampeon ngayong gabi sa huling pagtutuos ng dalawang finalist ng 2015 PBA Philippine Cup na San Miguel Beer at Alaska sa kanilang pagtatapat sa do-or-die Game Seven ng kanilang finals series sa Smart-Araneta Coliseum.
Sinasabi ni Beermen coach Leo Austria na mistulang isang chess match ang nangyayari sa kanila ng Aces dahil sa utakan nila ng mga tactician ng huli sa ilalim ni coach Alex Compton sa pagpapasok at pagbalasa ng tao sa loob ng court.
"Ifs a matter of mental approach," ani Austria. " Everybody is sacrificing naman, e, so ngayon, ifs just mind over matter kapag ganyan, e."
Sang-ayon naman dito ang dalawa sa kanyang key players at big men na sina reigning MVP at Best Player of the Conference Junemar Fajardo at dating league MVP Arwind Santos.
Ani Fajardo, kailangang magstep up lahat ng Beermen kung gusto nilang matapos na ang kanilang halos apat na taon ng title drought habang hindi lamang talino kundi kailangan din ng puso at tapang ng kanilang koponan para makamit ang tagumpay ayon naman kay Santos.
Parehas namang naniniwala ang magkabilang panig na hindi nila makukuha ng madali ang kanilang inaasamna titulo dahil kailangan nilang dumaan sa butas ng karayom para makamit ito.
"Nothing's gonna be handed to us. If we want to winn the all-filipino crown which is the most prestigious, we gotta battle," ani Aces big man Sonny Thoss na umaasang mauulit nila ang nagawa nila noong 2007 Fiesta Conference kung saan naiiwan din sila, 2-3 ng Talk 'N Text at nakamit nila ang kampeonato.
"Wala namang madali, e, kasi finals na ito. Dapat talaga tulung-tulong. Pero nangangako kami na gagawin namin lahat para manalo,. "ayon naman kay Fajardo matapos na malimitahan sa single digit noong Game Six, ang una niya sa serye, makaraang magtala ng 9 na puntos buhat sa 2 -of -7 shooting sa field at limang freethrows.
"Hindi ko naman kailangang umiskor lagi ng malaki. Pero kailangan ko ring mag set ng example para sa mga teammates ko," anang Cebuano center na si Fajardo na tumapos namang mayroon ding 13 rebounds, 3 blocks at 2 asists noong nakaraang Linggo.
Samantala, maliban kina Santos at Fajardo, inaasahan din ni Austria para mag-deliver sa Beermen sina Alex Cabagnot, Chris Ross, Marcio Lassiter at Chris Lutz.
Para naman sa Aces, bukod kay Thoss ay sasandig naman si Compton kina Game Six hero Jayvee Casio, Vic Manuel, Cyrus Baguio, Calvin Abueva at Dondon Hontiveros na naniniwalang ang kanilang " puso" ang maghahatid sa kanila sa inaasam na panalo.