Duguang bumagsak sa semento ang isang taxi driver na senior citizen nang pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang suspek habang namamasada sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot sa crime scene ang biktimang si Gerardo Orias, 60, ng Lot 32, Block 45B, Longos, sa nasabing lungsod, sanhi ng tama ng bala ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report, bandang 3:20 ng madaling araw nag-aabang ng pasahero ang biktima sa harap ng Pagamutang Bayan ng Malabon sa kanto ng Maya Street, Dagat-Dagatan Avenue, Malabon City nang lapitan ng tatlong suspek at pinagbabaril. Dinala pa sa pagamutan si Orias pero wala na itong buhay.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20