MECCA (AFP)— Isang babaeng taga-Myanmar na pinugutan sa isang kalye sa Saudi Arabia nitong linggo dahil sa pagpatay sa batang anak ng kanyang asawa ang nakitang sumisigaw nang pagiging inosente sa isang video na ipinaskil sa Internet noong Sabado.
Inaresto ng Saudi authorities ang isang tao na kumuha ng video ng insidente, iniulat ng isang lokal na pahayagan, kabilang na ang Okaz and Al-Riyadh. Hindi nila binanggit kung ano ang kaso ng inaresto.
Sinabi ng official Saudi Press Agency noong nakaraang linggo na si Layla bint Abdul Mutaleb Bassim ay pinaslang sa banal na lungsod ng Mecca dahil sa pagpatay sa anim na taong gulang na anak ng kanyang asawa. Ang bata, isa ring “Burmese,” ay namatay sa bugbog at panggagahasa gamit ang broomstick, ayon sa ulat.
“Haram. Haram. Haram. Haram. I did not kill ... I do not forgive you ... This is an injustice,” sigaw niya sa wikang Arabic habang nakaluhod sa lupa at pinalilibutan ng mga pulis sa video na nasilip sa LiveLeak.