LOS ANGELES (AP)- Pinakawalan na si Jordan Farmar ng Los Angeles Clippers matapos ang 36 mga laro.

Ang 28-anyos na guard ay may average na 4.6 points, 1.9 assists at 1.2 rebounds sa 14.7 minutong paglalaro bilang backup kay Chris Paul.

Inihayag ang hakbang kahapon na gumawa ng roster room para sa deal na isinagawa ng Clippers noong Biyernes na nagdala sa guard na si Austin Rivers, ang 22-anyos na anak ni coach Doc Rivers, na maglaro sa ilalim ng kanyang ama.

Lumagda si Farmar sa Clippers noong Hulyo bilang kapalit ng kapwa UCLA alumni na si Darren Collison, mas piniling lumisan at lumagda sa Sacramento.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naglaro si Farmar sa Staples Center sa ilalim pa noon ng pagmamando ng Lakers noong nakaraang season. Napasakamay niya ang NBA titles noong 2009 at 2010 sa Lakers, kinuha siya sa draft noong 2006. Ikinabahala ni Farmar ang napunit na kaliwang hamstring at strained right groin na naging dahilan upang ‘di siya makalaro sa kalahatian ng nakaraang season.

Napabalitang tinutugis ng Clippers si guard Nate Robinson, kinuha ng Boston mula sa Denver sa kaagahan ng linggong ito.