IPAGPATULOY natin ang ilang tips upang matamo ang mas mainam na bersiyon ng iyong pagkatao. Lahat tayo ay mangangailangan ng pagbabago. Huwag kang tumutok sa pagiging perpekto o mayaman o sikat. At kahit na kaya mo iyon, hindi makatutulong iyon upang maging mas mainam ang iyong pagkatao.

Paano ba matatamo ang kainaman?

  • Magkaroon ng mabubuting kaibigan. - Isa pang bagay na kailangan mo upang maging mas mainam na ikaw ay ang pagkakaroon ng mabubuting kaibigan. Hindi ito tungkol sa mga nakilala mo lang sa party o sa mall o mga kalaro mo sa sports. Ito ay tungkol sa tunay na mga kaibigan na maginhawa mong nakakaugnay. Best friends ang tawag mo sa kanila, na maaari mong kausapin kahit anong oras sa kahit na anong paksa at sa kahit na anong dahilan, at ganoon din sila sa iyo.
  • National

    Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ang pagbabahagi mo ng iyong mga tagumpay at kabiguan ay mahalaga ipang lumago ka bilang indibiduwal. Ang mga kaibigan mo ang tutulong sa iyo upang manatili ka sa tamang direksiyon. Sila ang iyong mga saklay sa sandali ng iyong kahinaan at susuporta sa iyo kapag ginagapi ka ng kabiguan. Napakahalaga ng pagkakaroon ng mabubuting kaibigan; kaya huwag panghinayangan ang mga oras at lakas sa paghahanap sa kanila.

  • Limutin na ang masasamang nakaraan. - Ang unang hakbang upang maging masaya ay ang limutin ang masasamang nangyayari sa iyong buhay. Kung nais mong matamo ang mas mainam na bersiyon ng iyong sarili, kailangan mong iwaksi ang mga pumipigil sa iyong pagbabago tulad ng kabigatan ng kalooban, mga kapaitang naranasan, ang kawalan ng katarungan, at iba pa. Katulad ng mga ito ang isang angkla na nakabaon sa ilalim ng dagat ng kalituhan kung kaya hindi ka maka-move on kahit pa napakalakas kung humihip ang hangin sa iyong mga layag.

Kalagan mo na ang iyong sarili sa tanikala ng mapait na kahapon at mag-move on ka na sa kinabukasan. Hindi na mahalaga kung ano ang nangyari noong bata ka pa o kahapon; ang mahalaga ay kung ano ang gagawin mo ngayon. Hindi madali ang lumimot pero nagagawa rin naman. Huwag panatilihing nakatago ang masasamang nakaraan sa iyong isipan. Iwaksi mo ang mga iyon at itutok ang iyong isip sa kasalukuyan bilang paghahanda sa kinabukasan.

Sundan bukas