HALOS madurog ang puso ni Abby Saloma nang malaman niyang may ovarian cancer ang nanay niya. Ang masama pa nito ay laging malayo si Saloma, 27, na nagtratrabaho sa District of Columbia yoga studio bagamat nakatulong naman ito sa kanya para makayanan ang problema.
Kaya naisipan niyang tumawag ng isang yoga teacher at pinapunta ito sa kanilang lugar sa Pennsylvania. “I am desperate for a yoga practice” aniya. “It was such a powerful, powerful experience”
Ngayon, sampung taon na ang nakalilipas matapos mamatay ang kanyang ina, isa na siyang yoga instructor at nagkaroon ng sariling yoga workshop para sa mga taong nangangailangan ng paglingap.
“The premise of it is, in our society, we really push death under the rug – we’re terrified to talk about it,” pahayag ni Saloma. Kasama sa workshop ang paggawa ng journal at meditasyon para mailabas ang mga saloobin ng mga nangungulila. “Yoga allows us to be present with it , and I believe that being present with it allows us to live a fuller, more awakened life.”
IBANG PARAAN NG PAGLULUKSA
Base sa pagsasaliksik, ang mind-body practices, gaya ng yoga at meditasyon, ay nakatutulong upang mabawasan o malunasan ang depression, anxiety, negative mood, fatigue at stress.
Napapansin maging ng mental health experts na malaking tulong nga ito sa mga taong nagluluksa at nagsisilbing paraan upang malagpasan ang mahihirap na sitwasyon, ayon kay Kait Philbin, psychologist at yoga teacher sa Redwood City, California.
“It used to be that [therapists] just thought that all you had to do was look at the mind, but they’re realizing that there’s a complicated relationship going on between the body and mind,” sabi ni Philbin.
Sa kanyang pag-aaral, nakatutulong ang six-week yoga therapy program sa mga taong nangungulila upang ganahang kumain at mapag-ibayo ang energy level, tulog, relaxation at body stiffness at nanunumbalik ang normal na ginagawa nila. - Yahoo News/Health