PHOENIX (AP)— Nagbalik na sa ensayo si LeBron James kasama ang kanyang mga kakampi sa Cleveland kahapon at sinabi niya na siya ay “game time decision” kung siya ay maglalaro laban sa Phoenix Suns ngayon.

Nagpahinga si James ng dalawang linggo upang pagalingin ang napinsalang kaliwang tuhod.

“Hopefully my body reacts really well,” aniya. “I’m going to get some treatment. I just got some and I’m going to get some more tomorrow and we’ll see what happens.”

Ang Cavaliers ay 1-7 sa pagkawala ng four-time MVP at natalo ng limang sunod.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni James na ang kanyang hindi paglalaro ay “good for me but not for the team.”

“We struggled and I hate seeing that and I hate seeing us not play to our ability with me sitting out,” saad niya.

Ang huling talo ng Cleveland ay 103-84 sa kamay ng Sacramento noong Linggo.

“We just play well at times but we don’t sustain the effort for 48 minutes,” sabi niya. “If a team jumps on us in any quarter, we have a tendency to kind of just — I don’t want to say give up — but kind of just let our guard down a little bit.”

Ang Cavaliers ay nalaglag sa 19-19 sa kanilang huling pagkabigo at ikaanim sa Eastern Conference standings, kalahating laro sa likuran ng Milwaukee.

Natanong si James kung ang natitirang 44 laro ay sapat upang makasampa ang koponan sa playoffs.

“Playoffs is something we don’t need to be thinking about right now,” giit ni James. “We’re not ready to win a seven-game series. We’re nowhere near ready to even think about the postseason with our struggles of late. We need to get back to our winning ways.”

Sakaling hindi maglaro si James ngayon, ang susunod na laro ng Cleveland ay laban sa Lakers sa Los Angeles sa Biyernes. Tatapusin ng koponan ang kanilang five-game trip sa West laban sa Clippers sa Los Angeles sa Sabado.