VIGAN CITY, Ilocos Sur - Ang pinakamahuhusay na culture, tradition at beauty ng lalawigang ito ang muling pupukaw sa publiko sa pinakaaabangang month-long Kannawidan (tradition) Ylocos celebration 2015 sa Enero 29.

Sa pamumuno ni Ilocos Sur Gov. Ryan Singson, ang pitongtaong festival, sadyang isa sa pinakamagandang pagdiriwang sa bansa, ay muling hahakot ng atraksiyon para sa must-see festivities edition sa taong ito.

Ilan sa nakalinya sa okasyon ang iba’t ibang culture-and-tradition-inspired events, gaya ng fashion show na tinatampukan ng mga ipinagmamalaking personalidad sa probinsiya, art exhibit, traditional games at sports, tulad ng bersiyon ng Ilocos Sur ng rodeo.

“Kannawidan Ylocos Festival offers everything our province-mates and tourists wanted to enjoy in a festival. We proclaim ‘Sure Ilocos Sur’ because of our complete package of fun and entertainment,” masayang sinabi ni Singson.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinabi ni Singson na all-out sila sa layuning lalo pang mapalakas ang probinsiya sa pagmamando ng heritage, natural at man-made wonders na sinampulan ng Vigan City bilang bagong Wonders Cities of the World.

Ang Kannawidan ay isasabay sa anibersaryo ng pagkakatatag ng Ilocos Sur noong Pebrero 2, 1818 sa bisa ng Spanish Royal Decree dahil sa mayaman nitong kasaysayan, tradisyon at kultura.

Ang concelebrated mass ay susundan ng parada ng mga rebulto ng mga santo sa paligid ng makasaysayang siyudad ng Vigan na kapapalooban din ng carnival sa Quirino Stadium na ngayon ay nasa huling bahagi na ng renovation bilang main hub.

Ang kagandahan ng Ilocos Sur ay bibigyang buhay din ng pinakaaabangang “Saniata ti Ylocos” (pageant contest) habang ang kanilang “outstanding sons and daughters” ay gagawaran ng Father Jose Burgos Achievement Awards. - Liezle Basa Iñigo