Inabisuhan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga may transaksyon sa Enero 15, 16 at 19, na idineklarang special non-working holiday dahil sa pagbisita ni Pope Francis, na gawin ito bago o pagkatapos ng nabanggit na petsa.

Hinikayat din ni POEA Administrator Hans Leo Cacdac ang mga overseas Filipino workers, na nagbakasyon noong holiday at babalik sa kani-kanilang trabaho, na kunin ang kanilang exit clearance o overseas employment certificate (OEC) sa Balik Manggagawa Online o BMonline.ph. “Don’t fall in line, go online,” payo ni Cacdac.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget