BEIJING (AP) — Inaresto ng pulisya sa China ang 110 katao na suspek sa pagbebenta ng karne mula sa mga may sakit na baboy sa huling food safety scandal ng bansa.
Mahigit 1,000 tonelada ng kontaminadong karneng baboy at 48 tonelada ng cooking oil na mula sa karne ang nasamsam sa operasyon na nagsimula noong nakaraang taon sa 11 probinsiya, sinabi ng Public Security Ministry sa isang pahayag noong Lunes.
Ang mga suspek ay kasapi ng 11 iba’t ibang sindikato na bumili ng mga baboy na namatay sa sakit mula sa mga magsasaka sa napakababang presyo at ilegal itong ipinoproseso upang maging bacon, ham at oil, ayon sa pahayag.