Dapat nang magsumite ng leave of absence si Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng alegasyon sa kalihim na sangkot ito sa “garlic cartel”.

Ito ang pananaw ni Valenzuela City First District Rep. Sherwin T. Gatchalian matapos kasuhan ng NBI ang mga dating opisyal ng Bureau of Plant Industry(BPI), isa sa mga ahensiya ng DA, dahil sa umano’y manipulasyon sa pagpapalabas ng import permit para sa bawang. Giit ng kongresista, dapat tularan ni Alcala si Health Secretary Enrique Ona na nagsumite ng leave of absence habang iniimbestigahan ito ng NBI kaugnay ng kuwestiyunableng pagbili ng nasabing kagawaran ng mga bakuna.

“Secretary Alcala should face a thorough probe by the NBI since his being linked to the garlic cartel is a very serious allegation that must be investigated to the fullest,” ani Gatchalian.

Sinabi pa ni Gatchalian na hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa kontrobersiya si Alacala at sinampahan na rin ito ng kasong plunder sa Office of the Ombudsman, subalit nananatili pa rin ito sa puwesto bilang hepe ng DA.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Secretary Alcala should not wear thin his friendship and influence with President Aquino. It’s about time that he insulates the chief executive by taking a leave of absence until he is finally cleared by the NBI,” dagdag pa ng kongresista.

Nag-ugat ang pagkakadawit ni Alcala sa garlic scam matapos ihayag ng whistleblower na si Elizabeth “Lilibeth” Valenzuela, garlic importer, na may basbas umano ng kalihim ang pag-i-import ng mga bawang ng mga pinapaboran niyang garlic importer.