Enero 11, 1966 nang maranasan ang rumaragasang tubig sa Rio de Janeiro sa Brazil matapos bumuhos ang ulan na tumagal ng 12 oras at umabot sa 10 pulagada ang tubig. Dahil sa sama ng panahon, halos 400 katao ang namatay at aabot sa 50,000 ang kinailangang lumikas.

Ang mga taong naninirahan sa bundok ang unang nakaranas ng mataas na pagbaha. Ilang mga tahanan ang nasira sahil sa mga gumuhong putik at ilang mga tao ang nalibing ng buhay. Hindi nagamit ng mga residente ang mga matataas na imprastruktura.

Nang sumunod na araw, maraming lungsod ang nagdusa dahil sa matinding pag-ulan kung saan naranasan ang brownout at kakulangan sa tubig. Ang Ipanema at Copacabana ng lungsod ang labis na naapektuhan, at ang tubig sa Marcano River ay umabot sa pitong talampakan ang tubig baha.

Ang nasabing insidente ang naging pinakamalalang pagbaha sa kasaysayan ng Brazil.
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!