Kapanalig, milyun-milyong deboto ang naglakbay uli patungo sa Simbahan ng Quiapo upang ipagdiwang ang Pista ng Mahal na Itim na Nazareno. Taun-taon, kamangha-mangha ang debosyon na ipinakikita ng mga namamanata sa Poon. Sa pista na ito, nararamdamat at nakikita na ang Diyos ay nakikiisa sa mahihirap, at ang maralita ay tunay na nakasalig sa ating Panginoon.

Malaking porsyento ng mga deboto ng Itim na Nazareno ay maralita. Marami sa kanila ay inihahalintulad ang kanilang paghihirap sa buhay sa paghihirap ni Jesus sa Kalbaryo. At sila ay pumupunta sa Simbahan ng Quiapo tuwing pista para magpasalamat, para sa milagro, at para sa kaligtasan, hindi lamang kapag sumakabilang buhay na, kundi sa karalitaang nararanasan nila at ng kanilang mga pamilya sa mundo.

Ayon sa World Bank, 25.2% ng ating populasyon ay maralita (noong 2012). Base naman sa datos ng pamahalaan, nasa 24.9% ang poverty incidence ng ating bayan. Isa sa bawat limang Pilipino ay maralita, ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB). Siyempre pa, ito ay ayon sa estadistika. Siyempre iba pa yung katotohanan. Ayon sa Philippine Statistical Authority (PSA), ang pinakamataas na poverty incidence sa ating bansa ay nasa hanay ng mga mangingisda, magsasaka at kabataan. Nasa 39.2% ang poverty incidence ng mga mangingisda, habang 38.3% at 35.2% naman ang sa magsasaka at kabataan.

Kaya nga maraming mga Pilipino ang humihiling ng milagro. Kahit pa kasi patuloy na tumataas ang ekonomiya ng bansa, ang maralitang sektor gaya ng mangingisda, magsasaka, at kabataan ay hindi pa naambunan nito. Ayon sa NSCB, kailangan ng maralitang pamilyang Pilipino na dagdag na kita na may halagang P2,067 upang makaalpas sa kahirapan noong 2012.

'Walang matitira, ubos sila!' Netizens napa-react na i-firing squad mga korap

May mahalagang payo si Pope Francis ukol sa “encountering the poor,” na nararanasan natin tuwing pista ng Mahal na Itim na Nazareno. Sabi niya, “Isang eskandalo ang karukhaan dito sa mundo. In a world where there is so much wealth, so many resources to feed everyone, it is unfathomable that there are so many hungry children, that there are so many children without an education, so many poor persons”.

Kapanalig, ang Pista ng Nazareno ay hindi lamang pagdulog sa Diyos. Ito ay sumasalamin sa hirap.