MADALAS tanungin ang Cake aktres na si Jennifer Anistosn tungkol sa kanyang dating asawa — na halos ayaw na niyang pag-usapan pa — ngunit kusa niyang binanggit ang isa pang nagpatibok ng kanyang puso noon sa panayam sa kanya ng New York Times.

Binigyang pansin ng manunulat na si Frank Bruni na kusang isinama ni Aniston sa usapan ang pangalan ng mapapangasawa nitong si Justin Theroux. “Dropping him into a story about an unappreciated boyfriend who died years later of a brain tumor,” banggit ni Bruni.

“He was my first love — five years we were together. He would have been the one. But I was 25, and I was stupid. He must have sent me Justin to make up for it all,” kuwento ni Bruni na sinabi ni Jennifer tungkol sa pumanaw na nakarelasyon.

Bagamat hindi binanggit ni Bruni at ni Aniston ang pangalan, kinilala ito ng Daily Mail ng UK bilang si Daniel McDonald, na namatay dahil sa brain cancer noong 2007 sa edad na 46.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagsimulang lumabas sina McDonald at si Aniston bago nagsimulang lumabas sa Friends ang aktres, ayon sa nasabing pahayagan. Isang source ang nagsabi na ang magkasintahan ay naghiwalay dahil lumipat si Aniston sa Los Angeles at nanatili naman si McDonald sa New York. (Yahoo News/Celebrity)