NASIPIT, Agusan del Norte – Nakaligtas ang 28 crew ng isang cargo vessel na puno ng apog mula sa Garcia-Hernandez, Bohol, matapos itong tumaob sa karagatan ng Camiguin Island noong Biyernes.

Agad na dinala ang mga nasagip na crew member ng cargo vessel LC7-378 sa Dapitan Hospital sa Zamboanga del Norte upang sumailalim sa medical check-up.

Base sa ulat, naglalayag ang cargo vessel patungong Tagoloan, Misamis Oriental mula sa Garcia-Hernandez, Bohol upang maghatid ng apog sa PhilSinter Corp. nang maipit ito sa masamang panahon habang nasa Camiguin Island noong Biyernes ng umaga.

Sinalubong ang barko ng malakas na hangin at alon hanggang sa tumaob ito.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Pinalad ang crew ng tumaob na barko na matiyempuhan sila ng MV Tong Yen na agad na rumadyo upang humingi ng tulong sa pagsagip sa mga tripulante. - Mike U. Crismundo