ANY day this week ay puwede nang lumabas sa ospital ang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno. Patuloy na ang paggaling ni Kuya Germs matapos ilipat sa isang private room ng St. Luke’s Hospital sa E. Rodriguez sa Quezon City

Napag-alaman na rin namin na paglabas sa ospital ng TV host ay ipagpatuloy ang therapy niya sa America. Ito raw ang payo sa kanya ng malalapit na kaibigan para mapabilis ang recovery niya.

Kahit nasa ospital ay tuluy-tuloy ang radio program niya sa DZBB, pansamantalang humalili sa kanya ang ilang alaga niya. Pati ang kanyang Walang Tulugan With The Master Showman ay tuluy-tuloy pa ring napapanood.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Naiinip na nga raw si Kuya Germs at gusto nang lumabas sa ospital pero kailangan pa niyang makapagpahinga nang husto. Pinapayuhan siya ng mga doktor niya na iwasan ang stress.

Inaayos na ng anak niyang si Federico ang kanyang kuwarto sa bahay na tutuluyan niya. Dumalaw na rin kay Kuya Germs ang CEO ng GMA-7 na si Atty. Felipe Gozon at sinabihan ang TV host na huwag munang isipin ang show at hayaan na muna niya ‘yun sa mga co-host niya.

“Nangako na siya sa akin na iiwasan na niya ang stress at iyong sobrang pagpupuyat dahil alam naman niyang iyon ang dahilan kung bakit siya nagkasakit nang ganyan,” kuwento ni Federico.

Samantala, may kaunting problema pa ang right arm ni Kuya Germs, pero makukuha iyon sa therapy.