DHAKA (AFP)— Pinaigting pa ng mga awtoridad ng Bangladesh ang kanilang pagtugis noong Lunes sa lider ng oposisyon na si Khaleda Zia, binarikadahan ang kanyang opisina upang hindi niya mapamunuan ang mga protesta sa unang anibersaryo ng kontrobersyal na halalan.

Ilang truck na puno ng mga bato at buhangin ang ipinarada sa labas ng gate ng opisina ni Zia sa Gulshan, Dhaka at sa bunganga ng daan patungo sa gusali kung saan siya naka-confine simula noong Sabado ng gabi. Ipinagbabawal ang pag-labas-masok ng sinuman sa lugar.

Nanawagan si Zia, lider ng main opposition Bangladesh Nationalist Party (BNP), sa mga aktibista na lumabas sa mga lansangan bilang bahagi ng kampanyang puwersahin si Prime Minister Sheikh Hasina na magdaos ng bagong multi-party polls, inilarawan ang Lunes na “Democracy Killing Day”.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente