CAMP B/GEN. OSCAR FLORENDO, La Union – Isang dating pangulo ng Association of Barangay Chairmen (ABC) at ngayon ay kagawad ang napatay sa pananambang na pinaniniwalaang gawa ng mga hired killer sa national highway sa hangganan ng mga barangay ng Pasngal at Cabusligan sa Bacarra, Ilocos Norte.
Ayon sa mga ulat kahapon sa Camp Florendo, hindi na umabot nang buhay sa ospital si Crisanto Albano, kagawad ng Bgy. Pasngal sa Bacarra, dahil sa maraming tama ng bala.
Sinabi ni Senior Supt. Raymund Blanco, direktor ng Ilocos Norte Police Provincial Office, na sakay ang biktima at ang business partner niyang sin Marites Lim, nasa hustong gulang, kasama ang dalawang menor de edad na babaeng anak ni Lim, pawang ng San Nicolas, Ilocos Norte, sa isang SUV at bumibiyahe sa national highway dakong 7:30 ng gabi nitong Biyernes nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek ang bahagi ng sasakyan na inuupuan ni Albano.
“Hindi natin isinasantabi ang ilang anggulo ,personal at negosyo at maging sa trabaho,” sabi ni Blanco. - Liezle Basa Iñigo