MAY mga balitang nais ni Jose Ma. Sison, founder ng Communist Party of the Philippines (CPP), na makipag-usap kay Pangulong Noynoy Aquino tungkol sa posibleng resumption ng peace talks ng gobyerno ng Pilipinas at ng komunistang kilusan ngayong taon.

Magandang development ito para matamo ng bansa ang kapayapaan na mahigit nang 40 taong ginigiyagis ng New People’s Army, ang armadong sangay ng CPP. Gayunman, maaaring madiskaril ang usapang Aquino-Sison dahil may mga kondisyong hinihingi ang National Democratic Front (NDF) at ang CPP-NPA na mahirap ipagkaloob ng gobyerno.

Hangad umano ng CPP-NPA-NDF na palayain ng pamahalaan ang ilang consultant nito na ngayon ay nakabilanggo, kabilang ang mag-asawang Benito at William Tiamzon, matataas na pinuno ng kilusang komunista sa bansa na nadakip noong Marso 2014 sa Cebu.

Naninindigan ang pamahalaan na walang precondition tungkol sa usapang-pangkapayapaan ng CPP-NPA-NDF at gobyerno . Sabi nga ni Presidential spokesman Edwin Lacierda: “We’ve always said that before. When we come to talks with either party, NDF or MILF, there are no preconditions in the talks. This is something we’ve said time and time again”.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Sa pamamaalam ng 2014 (Taon ng Kabayo), hindi pa rin pinatawad nito ang Pilipinas dahil hinayaan pang pumasok ang bagyong Seniang na tumama sa Hinatuan, Surigao del Sur noong Lunes. Nanalasa si Seniang sa iba pang lugar sa Mindanao at pagkatapos ay naglakbay sa mga lugar sa Visayas.

Exit Kabayo (2014), Welcome Tupa (2015). At naririto ang aking tula: “Paalam Kabayo, tuloy ka na Tupa, ang buhay sa mundo, may dusa at saya, ang tunay na yaman ay wala sa pera, nasa kalusugan, tunay na ligaya”.