TAJI BASE, Iraq (AFP) – Hangad ng mga sundalong Amerikano at mga kaalyado nito na agad na makapagsanay ng libu-libong Iraqi security personnel sa “bare minimum basics” na kinakailangan upang makibahagi sa laban kontra sa Islamic State (IS), na tinalo kamakailan ang mga tropa mula sa Baghdad.
Pinangunahan ng IS ang isang napakalaking pag-atake noong Hunyo ng nakaraang taon at kinubkob ang pusod ng Sunni Arab sa Iraq, at bagamat pursigido ang puwersa ng gobyerno na mabawi ang mga ito, marami pa ring teritoryo ang IS ang wala sa kontrol ng Baghdad.
Pinangungunahan ng Amerika, na tumutok sa marahas at magastos na siyam na taong digmaan sa Iraq, ang isang pandaidigang koalisyon na nagsasagawa ng air strikes laban sa IS at nagsasanay at nagpapayo sa puwersang Iraqi.