Nina AARON B. RECUENCO at NESTOR L. ABREMATEA

Nasa 21 katao ang namatay sa Eastern Visayas dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Seniang’ sa rehiyon, sinabi kahapon ng isang opisyal ng pulisya.

Halos lahat ng kaso ng pagkamatay sa rehiyon ay dahil sa pagkalunod sa baha at sa pagguho ng lupa, ayon kay Supt. Carlos Centinaje, Eastern Visayas police community relations officer.

Sa Leyte, naparalisa rin ng bagyong ‘Seniang’ ang transportasyon sa kasagsagan ng pananalasa nito kahapon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Leyte Vice Governor Carlo P. Loreto sa panayam ng DYVL Aksyon Radyo sa Palo, na itinigil ang biyahe mula sa Baybay City hanggang Tacloban kasunod ng matinding pagguho ng lupa sa national highway ng Barangay Villa La Soladirad sa Baybay City noong Lunes ng gabi.

Ayon kay Loreto, dahil sa landslide ay na-stranded ang mga kalsada sa national highway.

Dagdag ng bise gobernador, hindi makabibiyahe ang mga sasakyang patungong Tacloban mula sa Baybay at sa iba pang bahagi ng Southern Leyte dahil hindi pa madadaanan ang mga kalsada sa nabanggit na lugar.

Napaulat din ang matinding baha sa bayan ng Abuyog at inilikas na ang mga apektadong residente, ayon kay Abuyog Mayor Octavio Traya Jr.

Sinabi naman ni Alang-alang Mayor Loreto Yu na hindi madadaanan ang dalawang tulay na napinsala ng baha, kaya paralisado rin ang biyaheng Ormoc-Tacloban.

Wala namang Internet at cell phone signal sa Tacloban, at hindi rin magamit ang mga ATM dahil apektado ang mga ito ng bagyo.

Sinabi ni Leyte Vice Governor Carlo P. Loreto sa panayam ng DYVL Aksyon Radyo sa Palo, na itinigil ang biyahe mula sa Baybay City hanggang Tacloban kasunod ng matinding pagguho ng lupa sa national highway ng Barangay Villa La Soladirad sa Baybay City noong Lunes ng gabi.

Ayon kay Loreto, dahil sa landslide ay na-stranded ang mga kalsada sa national highway.

Aniya, gumuho ang lupa dahil sa malakas na ulan na dulot ng bagyo.

Dagdag ng bise gobernador, hindi makabibiyahe ang mga sasakyang patungo sa Tacloban City mula sa Baybay at sa iba pang bahagi ng Southern Leyte dahil hindi pa madadaanan ang mga kalsada sa nabanggit na lugar.

Napaulat din ang matinding baha sa bayan ng Abuyog at inilikas na ang mga apektadong residente, ayon kay Abuyog Mayor Octavio Traya Jr.

Wala ring Internet at cell phone signal sa lugar, at hindi rin magamit ang mga ATM dahil apektado ang mga ito ng bagyo.