Matapos ang tatlong sunud-sunod na big time oil price rollback na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong Disyembre 2014, sasalubong naman sa mga biyahero na pabalik sa Metro Manila ang inaasahang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa unang linggo ng Enero 2015.

Ayon sa taya, posibleng tumaas ng P0.40 hanggang P0.60 ang presyo ng kada litro ng diesel, P0.20 hanggang P0.40 sa gasolina at 10 sentimos naman sa kerosene.

Ang napipintong dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Noong Disyembre 21 nagtapyas ang mga kumpanya ng P1.40 sa presyo ng kerosene, P1.35 sa diesel at P1.10 sa gasolina.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Kaugnay ng sunod-sunod na pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo muling naghain ng petisyon ang transport group na Pasang Masda sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na humihiling na ibaba sa P7 ang minimum na pasahe sa jeep mula sa kasalukuyang P7.50 minimum fare sa bawat apat na kilometrong layo ng biyahe.

Mariing tinutulan ng ibang grupo ng transportasyon ang naturang hirit dahil dapat diumanong unahing ibaba ng pamahalaan ang presyo ng mga bilihin at serbisyo para makatulong sa mga driver at kanilang pamilya.