Jennylyn-Mercado-copy-442x500

NAKATULONG ng malaki ang mga nakuhang awards ng English Only Please dahil biglang nag-sold out ang dalawang screening nito (5:40 at 8:05 PM) sa Gateway Cineplex noong Linggo ng gabi kaya pang-10:30 na ang nakuha naming ticket gayong pumila kami ng 6 PM.

May nagpadala rin ng mensahe sa amin na sold out din ang English Only Please sa Edsa Shangri-La at Eastwood City kaya ‘yung ibang nakapila ay nag-uwian na lang.

At kahapon habang nagtitipa kami ay nakatanggap kami ng mensahe na sold out ang lahat ng screening sa Greenbelt cinema hanggang sa last full show.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, ang masaya naming panonood sa Gateway Cinema 9 ay napapalitan ng yamot dahil sa mga katabi namin na panay ang mura kay Kean Cipriano na boyfriend ni Jennylyn Mercado sa pelikula dahil huthutero at user daw gayong hindi naman daw guwapo at mukhang mabaho dahil maraming tattoo.

Sa totoo lang, Bossing DMB, gustung-gusto naming sitahin dahil nakakaistorbo sa panonood namin pero pinigilan kami ng kasama namin dahil ini-express lang daw ang nararamdaman nila sa bokalista ng Calla Lilly at isa sa leading man ni Alex Gonzaga sa Inday Bote.

Kung sabagay, hindi rin namin gusto si Kean kaya in-enjoy na lang namin ang mga komentong narinig namin na pawang hindi magaganda.

Natatawang naiiling kami dahil kung isa si Kean sa mga nanonood at narinig niya ang mga pangit na salita tungkol sa kanya ay baka uminit ang ulo niya at naghamon ng suntukan o kaya’y mapilitan siyang umalis na lang ng sinehan.

In fairness, kapani-paniwala ang acting ni Kean sa English Only Please na pakiwari namin ay hindi naman na siya umaarte.  Ganito nga kaya sa totoong buhay ang binatang ito?

Anyway, nakakatawa naman talaga ang English Only Please, hindi hard sell at hindi rin nakakainip kaya isa ito sa bentahe ng pelikula kaya nanalong best story at screenplay.

Bagamat gasgas na ang istoryang naloko sa pag-ibig si Derek Ramsay bilang si Julian ng Filipina girlfriend na si Isabel Oli sa papel na Megan, kaya gustong maghiganti at hiningi ang tulong ni Tere (Jennylyn), pero aliw at hindi naman nakakainip dahil maganda ang pagkakagawa at pagkakasunud-sunod ng mga eksena.

Nakakagulat ang itsura ngayon ni Ian de Leon dahil mukha siyang sanggano o sinadya niyang magpataba nang husto para sa karakter niyang tambay sa English Only Please at bilang magnanakaw naman sa Feng Shui.

Okay ang acting nina Derek at Jennylyn, hindi um-OA (over acting) kaya deserving silang manalo bilang best actor at best actress dahil naiiba sa ibang entries ng MMFF.

Romantic comedy ang English Only Please, pero parang mas may ibibigay pang kilig kung babae ang nagdirek tulad nina Cathy Garcia-Molina at Mae Cruz o gay director.

Iba kasi ang point of view ng lalaking direktor kaya hindi tumodo sa kilig scenes, sabi nga, ‘sakto’ lang.

At iisa ang napansin ng lahat ng nanood sa pelikula, ang ganda-ganda ni Jennylyn Mercado at hindi halatang may apat na taong gulang nang anak na si Alex Jazz.

Oo nga, ang ganda ng aktres, di ba, Mark Herras, Patrick Garcia, Dennis Trillo at Luis Manzano?

Anyway, kailangan sigurong magdagdag ng sinehan ang English Only Please dahil bigla itong sumipa sa takilya dahil na-curious ang moviegoers kung bakit sina Derek at Jen ang nagwagi na hindi naman mga komedyante pero nagampanan nila nang tama ang ibinigay na role sa kanila.

Congratulations sa English Only Please team, planuhin na agad ang next project nina Derek at Jen.