Disyembre 30, 2006, nang bitayin sa pagbigti si dating Iraqi President Saddam Hussein (1937-2006) dakong 6:10 ng umaga sa dating kampo ng militar sa hilagang Baghdad sa Iraq, na sinaksihan ng 14 na opisyal ng bansa.

Inilarawan ang diktador na nakasuot ng itim na damit, at may bitbit na Koran na iniabot ng isa sa mga kaibigan niya. Nagsayawan sa lansangan ang mga tao, at may mga nagpaputok pa ng baril sa ere upang ipagdiwang ang pagbitay.

Nagsilbing pangulo ng bansa si Hussein mula Hulyo 1979 hanggang Abril 2003. Noong Disyembre 2003, nadakip siya ng puwersang Amerikano sa isang tambakan sa kanyang bayan. Nobyembre 5, 2006 naman nang hinatulan siya ni Judge Raouf Abdul Rahman dahil sa mga krimen laban sa ‘sangkatauhan sa pagpatay sa 148 katao sa Dujail noong 1982. Disyembre 26 nang pinagtibay ang kanyang sentensiya.

Siya rin ang nasa likod ng pagpatay sa 182,000 Kurd sa kasagsagan ng al-Anfal Campaign noong 1988, at ng iba pang pagpatay sa Iraq.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists