Timberwolves-Warriors_Luga-330x500

OAKLAND, Calif. – Inaasahan ng Minnesota Timberwolves na magbabalik na ang point guard na si Ricky Rubio mula sa isang severe ankle injury sa kalagitnaan ng Enero, sabi ng isang league source sa Yahoo Sports.

Hindi nakapaglaro sa 24 laban si Rubio dahil sa isang severely sprained left ankle na kanyang natamo noong Nobyembre 7 sa Orlando. Sumama siya sa three-quarter speed running exercises at shooting drills sa Oracle Arena bago ang naging paghaharap ng T’wolves at Golden State Warriors kahapon.

Sakaling makita sa isang MRI na gumagaling na ang kanyang ankle ayon sa iskedyul, maaari na siyang makibahagi sa contact drills sa darating na linggo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I am trying to do my best,” sabi ni Rubio. “Sometimes it is a little bit painful. I got to get through that. Some things are mentally [challenging]. I just push myself and try to come back as soon as a I can.”

Sa ngayon, nahihirapan pa rin si Rubio sa paghinto, pag-uumpisa at pagbabago ng direksiyon tuwing tumatakbo.

Kasalukuyang naglalaro ang Minnesota na wala ang tatlong starters nito na sina Rubio, guard na si Kevin Martin (wrist) at center na si Nikola Pekovic (foot, wrist) dahil sa mga injury. Ang mga rookie na sina Andrew Wiggins at Zach LaVine ang tumatayong starters para sa T’wolves.

“It’s painful seeing them struggling some games,” ani Rubio, na nag-average ng 9.4 puntos, 10 assists at 5.6 rebounds sa limang laro ngayong season. “But we’re young. We didn’t know that three of our best players would go down. It’s hard when 20-, 19-year-old kids have to take 40 minutes a game.”

“It’s a process. They have to learn. Being a rookie is hard. Being a rookie playing 40 minutes a game is even harder. It’s tough to adapt to the league.”

- Yahoo Sports