Pinaalalahanan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP)-Aviation Security Unit (ASU) ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng firecrackers sa bagahe na isasakay sa eroplano, check-in man o hand carry.

Sinabi ni PNP-ASU Director Chief Supt. Christopher Laxa na mahigpit nilang ipatutupad ang RA 7183 o “an act regulating the sale, manufacture, distribution and use of firecrackers and other pyrotechnics such as ‘crying bading,’ ‘super lolo,’ ‘atomic big,’ ‘triangulo’ and Medenillatheir equivalent with content that could danger life will be fined if caught of not less than P20,000 not more than P30,000 or imprisonment of not less than six (6) months not more than one year.”

Tinagubilinan ni Laxa ang mga pasahero na iwasang magdala ng mga paputok sa kanilang bagahe hindi lamang upang makaiwas sa multa at pagkakakulong ngunit hindi mailagay sa peligro ang buhay ng ibang pasahero.

Sinabi ni Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Customs District Director Edgar Macabeo na nakaalerto ang mga tauhan ng Office of Transportation and Security (OTS), na nagmamando a mga x-ray machine, sa apat na NAIA terminal upang laban sa mga firecracker at iba pang ipinagbabawal na materyales.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Aniya, kaya rin ng mga tauhan ng K-9 unit na matukoy ang mga ikinubling paputok sa pamamagitan ng pang-amoy ng kanilang aso. (Ariel Fernandez)