Sa detention cell ng Southern Police District (SPD) nag-Pasko ang limang lalaki na inaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad sa mga lungsod ng Muntinlupa at Taguig kamakalawa.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5, 11 at 26 ng Republic Act 9165 o pagbebenta ng iligal na droga sa Muntinlupa at Taguig City Prosecutor’s Office ang mga nahuling suspek na sina Orlando S. Rodriguez; Orlando A. Rodriguez Jr.; Daniel Setias, pawang residente ng Dasmariñas, Cavite, Adam Chiongbiam at Ali M. Wlid, kapwa naninirahan sa Taguig City.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni SPD Director Chief Supt. Henry Ranola Jr., unang nadakip ng mga tauhan ng Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (AIDSOTF) ng SPD ang dalawang Rodriguez at kasama si Setias sa isang lugar sa Muntinlupa matapos bentahan ng iligal na droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Narekober sa tatlo ang 75 gramo umano ng shabu at markadong salapi habang kasunod namang nasakote sina Chiongbiam at Wlid sa Bgy., Hagonoy, Taguig City na nabawi ng mga pulis sa pag-iingat ng mga suspek ang tatlong plastic sachet ng shabu.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'