VATICAN CITY (Reuters)— Pinangunahan ni Pope Francis ang pagsalubong sa Pasko ng 1.2 bilyong Katoliko sa mundo noong Miyerkules, nanawagan sa kanilang papasukin ang Diyos sa kanilang mga buhay upang tumulong sa paglaban sa kadiliman at korupsiyon.

Nagdaos ang 78-anyos na Argentine pope ng Christmas Eve Mass para sa libu-libong katao sa St. Peter’s Basilica. Ito ang ikalawang Pasko ng papa, na nahalal noong nakaraang taon bilang ang unang papa na hindi taga-Europe sa loob ng 1,300 taon.

Sa kanyang homily, sinabi ni Francis, nakasuot ng simpleng puting sotana, na ang Pasko ay panahon upang alalahanin na ang mensahe ng kapayapaan ng Diyos “is stronger than darkness and corruption”

“The question put to us simply by the infant’s presence is, ‘Do I allow God to love me?’

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Do we have the courage to welcome with tenderness the difficulties and problems of those who are near to us ...?

“How much the world needs tenderness today!” aniya.

Ilang oras bago ang misa, sorpresang tumawag sa telepono ang papa upang i-comfort ang mga BayosKristiyanong refugee sa isang kampo sa Ankawa, Iraq, na lumabas upang ipagdiwang ang kanilang sariling Christmas Eve Mass.

“You are like Jesus on Christmas night. There was no room for him either, and he had to flee to Egypt later to save himself,” sabi ni Pope Francis sa kanila sa tawag na inayos ng Italian Catholic television station na Sat2000.

Tumakas ang mga refugees sa mga mandirigmang Islamic State na tinutugis at pinahihirapan ang mga Shi’ite Muslim, Kristiyano at iba pa sa Syria at Iraq na hindi naniniwala sa ideolohiya.

Sa Huwebes (Biyernes sa Pilipinas) ibibigay ng papa ang kanyang tradisyunal na Christmas Day “Urbi et Orbi” (to the city and the world) blessing and message mula sda central balcony ng St. Peter’s Square sa libu-libong tao.