HUWAG PASAWAY Sa kasagsagan ng Pasko, nagkaroon ng mga balita tungkol sa mga pasaway na motorista, mga banggaan, mga nasaktan dahil sa mga aksidente dahil sa simpleng hindi pagsunod sa batas-trapiko. Kaya sa pagbisita ni Pope Francis, ilang linggo mula ngayon, may paalala ang Palsyo sa motorista – na dapat ipakita nila na sila ay may disiplina.

Nanawagan ang Palasyo sa lahat ng motorista na huwag maging dahilan ng matinding traffic sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Enero. Nagpaalala rin ang Palasyo sa publiko na maging disiplinado para maiwasan ang ano mang hindi magandang pangyayari habang nasa bansa ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko. Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, dapat sumunod sa mga traffic enforcer ang mga motorista para sa maayos na daloy ng trapiko partikular sa mga daraanan ng Papa sa pagbisita nito mula Enero 15 hanggang 19. Sa ngayon,tuluy-tuloy ang paghahanda para sa malaking okasyong ito na pambungad ng bagong toan kung saan prioridad ang mga daraanan ng Papa sa Tacloban kabilang ang airport at ang national highway mula Tacloban hanggang sa Palo, Leyte. Tiniyak rin na magiging stable ang power supply sa papal visit. Kahit hanggang sa matapos ang misyon ng Papa sa Pilipinas, huwag sanang pairalin ang init at katigasan ng ulo ng ating motorista.

***

NAGING PASA WAY Ano ba ang nangyayari sa isang taong matigas ang ulo na hindi sumusunod sa mga panuntunan o tagubilin o payo? Nadidisgrasya po. Sa kabila ng paalala ng Department of Health (DOH) at ni PNoy mismo, mayroon pa rin ang mapangahas at nagpaputok sa linggong ito. Anim sa mga pasaway na ito ang nadigrasya. Iniulat ng DOH na anim ang sugatan sa paputok mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ayon sa isang opisyal, inaasahang dadami pa ang madidisgrasya habang papalapit ang selebrasyon ng Bagong Taon. Gayunman, tinatarget pa rin ng ahensiya na bababa ang bilang ng mga sugatan dahil sa paputok sa 2014 kumpara noong nakaraang taon. Hindi siguro kalabisan na magpaalala uli ang mga awtoridad na umiwas na lamang sa paggamit ng mga kuwitis at mga paputok upang salubugin ang Bagong Taon. Mga magulang, kayo pa rin ang susi sa kaligtasan ng inyong mga mahal sa buhay.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez