ANTIPOLO CITY - Hindi na nakapagdiwang ng Pasko ang isang 46-anyos na lalaki na nasawi makaraang pagbabarilin sa Bagong Nayon 2 sa Barangay San Luis, Antipolo City, Rizal nitong Disyembre 24.

Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, nagtamo ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad na namatay si Rey Nandy de Guzman, may live-in partner, ng Barangay San Luis, Antipolo City.

Hindi nakilala ang lalaking suspek na lulan sa pulang motorsiklo, naka-camouflage pants, puting T-shirt at pula ang helmet.

Nabatid naman sa imbestigasyon na si De Guzman ay kilala umanong drug pusher sa Bgy. San Luis, at nakumpiska ng Scene of the Crime Operations (SOCO) mula sa kanya ang anim na plastic sachet ng shabu, dalawang strip ng aluminum foil at isang balisong.
National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin