Inabisuhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga airline passenger na makipagugnayan muna sa airline company sa pinakahuling estado ng kanilang flight bago magtungo sa airport.

Sinabi ni CAAP Director General William Hotchkiss na fully-operational na ang lahat ng 42 commercial airport sa bansa na pinangangasiwaan ng ahensiya, kabilang ang Tacloban Airport na binuksan kamakailan sa mga single-aisle jet.

Inabisuhan ng CAAP ang mga pasahero na tiyakin muna mula sa kani-kanilang air carrier ang status ng kanilang flight bunsod ng nararanasang pagkakaantala ng mga pag-alis at pagdating ng eroplano ngayong panahon ng Pasko at Bagong Taon.

Kabilang din sa dahilan ng flight delay ay ang sunset/sunrise limitation sa ilang domestic airport, mahabang pila ng mga pasahero sa terminal at problemang teknikal na nararanasan ng ilang eroplano.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ani Hotchkiss, asahan na ang pagkakaantala at kanselasyon ng ilang flight dahil sa pagdagsa ng pasahero ngayong holiday season.

Sa advisory ng CAAP, dapat magtungo ang mga pasahero sa paliparan nang apat na oras bago ang scheduled flight dahil sa matinding trapik ng mga sasakyan bunsod na rin ng kinukumpuning Skyway extension sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). - Ariel Fernandez