AMMAN (Reuters) – Binihag ng mga mandirigma ng Islamic State ang isang Jordanian pilot matapos bumulusok ang kanyang warplane sa hilagang silangang Syria noong Miyerkules, ang unang nabihag mula sa US-led coalition na lumalaban sa jihadi group. Sinabi ng Jordan armed forces na isa sa kanyang mga piloto ang nahuli matapos ang air raid ng coalition sa probinsiya ng Raqqa. Hindi pa malinaw kung bakit bumagsak ang kanyan eroplano. “Jordan holds the group (IS) and its supporters responsible for the safety of the pilot and his life,” saad sa pahayag na binasa sa state television.
Sinabi na ang F-16 warplane ni First Lieutenant Muath al-Kasaesbeh, 27, ay bumulusok habang nagsasagawa ang Jordanian air force ng “military mission against the hideouts of the terrorist group”.