Magpa-Pasko sa likod ng rehas na bakal ang isang ginang na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms matapos mahulihan ng siyam na baril sa isang bus terminal sa Iligan City, nitong Martes.

Kinilala ng Iligan City Police Office (ICPO) ang suspek na si Tomasa Caberte, tubong Cebu City.

Ayon kay Supt. Gervacio Balmaceda Jr., tagapagsalita ng ICPO, nakumpiskahan si Caberte ng siyam na paltik na gawa sa Danao at nahirapan namang magpaliwanag ang ginang kung bakit may dala siyang mga baril.

Sinabi ni Balmaceda na posibleng kabilang sa isang malaking gun-running syndicate ang suspek at nagtangkang ipuslit ang mga baril sa Iligan.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20